Wednesday, September 17, 2014

Love them while they are still here.



0910141530.

Topic ( English ) :  

I scolded my daughter because she did not accompany her mother to the market.





Observation / Narration ( English ) : 

I just scolded my daughter because she did not accompany his mother to the market. Because her mother initially asked me if I will accompany her, and I said yes. But when we are changing our dresses, my daughter asked me  where we're going, and she wants to come along. I said, you just accompany your mother and I will stay at home and watch TV. And I was surprised that her mother left and she was still with me talking. So I scolded her. My daughter said "Pa, why don’t you just follow her to the market" and that’s what I did and did catched up .



You probably were wondering why I scolded my daughter just because she did not accompanied her mother. When her mother asked me to accompany her to the market, those are rare instances that her mother would 1lambing me . I suddenly remembered my uncle which were very  close to my heart than my father. He died suddenly in an accident and I experienced the saying "What good is the grass if the horse is dead" or the phrase "tomorrow may be too late". My wife seldom 1lambing me so this was a rare instance.





Suggested Solution ( English ) :

One must give time to non-essential small favors like this. Try your best to spend time to these instances. We do not know when it would be too late to spend time with our loved ones. Because it is more painful when we know we have that extra time and did not spent it with them.


1.lambing” this writer doesn’t the exact English translation for this word, but this word means something like asking favor with emotional happiness and gratitude.









Paksa ( Filipino ) :

Pinagalitan ko ang aking anak dahil hindi niya sinamahan ang nanay niya sa palengke.





Obserbasyon / Pagsasalaysay ( Filipino ) :

Kakasermon ko lang sa aking anak dahil hindi niya sinamahan ang kanyang nanay sa palengke. Dahil naunang naglambing ang nanay niya sa akin kung ako’y sasama, at sabi ko naman ay oo. Pero noong nagbibihis na kami, biglang nagtanong ang aking anak kung saan kami pupunta, at gusto na rin niyang sumama. Sabi ko samahan mo na lang ang nanay mo at dito na lang ako sa bahay manonood na lang ako ng TV. Nagulat na lang ako at wala na nanay niya at nandiyan pa siya. Kaya pinagalitan ko ng pinagalitan siya. Sabi ng anak ko “Tay, eh di sundan ninyo na lang si nanay” at yoon nga ang ginawa ko at naabutan ko naman siya sa palengke.



Nagtataka kayo bakit ko masyadong pinagalitan ang aking anak dahil hindi lang niya sinamahan ang nanay niya. Noong nagtanong ang nanay niya kung puwede ko siyang samahan sa palengke, doon pa lang ay bihira na magtanong ang nanay niya o magpasama sa akin. Bigla ko kasing naalala ang aking tiyuhin na malapit na malapit sa aking puso kaysa sa aking ama. Bigla siyang namatay at isa ako sa nakaranas ng kasabihang “aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo”  o ang talata na “ bukas ay maaring huli na”. Bihira lang maglambing ang asawa ko sa akin kaya napakalaking bagay na ang minsan mangyari.





Mungkahing Solusyon ( Filipino ) :

Magpaunlak sa mga ganitong maliliit na bagay. Pilitin magbigay ng panahon kahit minsan sa mga oras na hinihiling. Hindi natin alam kung kailan magiging huli ang lahat dahil na makapiling ang mga mahal natin sa buhay. Dahil mas masakit kung alam natin na puwede naman pala natin silang bigyan ng ating kaunting panahon.








Monday, September 15, 2014

Blog format



0909141818.

Blog format ( English ) :
For the succeeding blog, this writer have decided to follow a simple format which is :

TOSS

T - Topic
O - Observation or Narration
SS - Suggested Solution

Topic is like a foreword of the blog.
Observation or Narration is the narration of the subject of the blog, the details, the elaboration.
Suggested Solution as the phrase indicates is the suggested solution for the subject. This part is included in every blog because this writer feels we always hear people complain but seldom hear them suggest solutions to the problem.


All topics that will be blogged here are experiences of this writer. Topics that are related to information and knowledge will be posted on the other blog site which is wordpress.

But topics that are only narrative or descriptive and not disturbing or needs to be explained will not follow such formats like for example recounting an experience or telling the story of a movie.


Thank you very much.




Anyo ng blog ( Filipino ) :
Para sa mga sumusunod nab log, napagpasyahan ng itong manunulat na sumunod sa isang simpleng anyo na :

TOSS

T - Topic ( Paksa )
O - Observation or Narration ( Obserbasyon o Pagsasalaysay )
SS - Suggested Solution ( Mungkahing Solusyon )

Topic ( Paksa ) ay ang paunang salita ng blog.
Observation or Narration ( Obserbasyon o Pagsasalaysay ) ay ang obserbasyon o pagsasalaysay  sa paksa, ang mga detalye.
Suggested Solution ( Mungkahing Solusyon ) ay ang imumungkahing solusyon sa paksa. Mayroon ito sa bawat blog dahil napapansin ng may-akda na naririnig natin ang mga tao na umaangal pero bihira naman magbigay ng solusyon sa problema.

Lahat ng paksa dito sa blog ay mga karanasan ng may-akda. Ang mga paksa na tungkol sa impormasyon  at kaalaman ay maipapaskil sa kabilang lugar na blog at iyon ay ang wordpress.

Ang mga paksa na nagsasalaysay at hindi nangangailangan ng paliwanag ay hindi susunod sa ganitong anyo tulad halimbawa ng nagsasalaysay ng karanasan o nagkukuwento ng istorya ng isang palabas.

Maraming salamat po.